Naka-antabay na ang mga pulis kung sakaling magakaroon ng kaguluhan sa Halloween Celebration sa Linggo sa Shibuya District sa Tokyo.
Napakaraming tao na may iba’t-ibang nasyulidad at costumes ang nag-titipon tipon sa Shibuya tuwing sasapit ang Halloween.
Ang mga opisyal sa Shibuya ay nakiki-usap sa mga tao na huwag muna ipag-diwang ang nasabing kasayahan tulad ng mga hiling nito nuong nakaraang taon. Ito ay alin-sunod sa hakbang upang maiwasan ang pag-kalat ng impeksyon dala ng coronavirus.
Nag-sagawa ng riot squad ang mga pulis nuong Sabado. Ang public relation police na mas-kilala bilang “DJ Police”, ay naka-duty rin malapit sa Scramble Crossing sa Shibuya Station para magabayan ang mga tumatawid.
Maraming tao sa kalsada dahil ito ang unang linggo mula nang itaas ng Tokyo Metropolitan Government ang restrikyon laban sa coronavirus sa mga kainan at inuman.
Ang ilang mga kabataan na naka-costume ay hinihingian ng permiso nang ilang mga dumadaan na magpa-unlak sa isang magka-samang litrato.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation