Muling lalawakan ng mga bansa at rehiyon sa buong mundo ang kanilang mga paghihigpit matapos matuklasan ang isang mutated na variant ng coronavirus sa South up Africa.
Inihayag ng Estados Unidos na pahihigpitan nito ang pagpasok mula sa South Africa at pitong iba pang mga bansa — Botswana, Zimbabwe, Namibia, Lesotho, Eswatini, Mozambique at Malawi.
Ang mga miyembro ng European Union ay sumang-ayon na limitahan ang pagpasok sa kanilang bansa mula sa pitong bansa sa timog Africa, kabilang ang South Africa, Botswana, Namibia at Mozambique.
Ang bagong variant ay nakita sa Israel. Ang mga awtoridad sa bansa ay nagpataw ng entry ban para sa mga dayuhang turista mula sa lahat ng mga bansa sa Africa, maliban sa mga nasa Hilaga.
Nakita din ito sa Hong Kong. Sinabi ng gobyerno ng kanilang nasasakupan na ipagbabawal nito ang pagpasok para sa mga hindi residente na nanatili sa walong estado sa southern Africa sa loob ng nakalipas na 21 araw.
Nilimitahan din ng Canada ang pagpasok sa South Africa at sa ibang lugar. Sinabi pa ng mga awtoridad ng Russia na paiigtingin nila ang paghihigpit sa mga turista mula sa ilang mga bansa sa Africa, pati na rin ang Hong Kong.
Sinabi ng internasyonal media nang ilang mga bansa sa Asya at Gitnang Silangan tulad ng Singapore, Pilipinas, Iran, Egypt,Turkey, Saudi Arabia, Bahrain at United Arab Emirates na makikiisa sila sa mga hakbang upang ilagay sa maayos ang pagpapalawak ng paghihigpit.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation