Isang 14-anyos na mag-aaral ang di umanoy’y sumaksak sa isa pang estudyante sa isang junior high school sa Aichi Prefecture, central Japan, ay naiulat at sinabi nito sa mga imbestigador na hindi siya masaya dahil naramdaman niyang hina-harass siya ng biktima.
Ang biktima na 14 anyos din, ay sinaksak ng kutsilyo sa sikmura noong Miyerkules ng umaga sa kanilang paaralan sa Yatomi City. Siya ay binawian ng buhay sa isang ospital.
Ang suspek ay naaresto sa pinangyarihan. Siya ay ipinadala sa mga tagausig noong Huwebes sa hinalang pagpatay.
Ang dalawang lalaki ay magkaklase sa kanilang ikalawang taon, ngunit nasa magkaibang homeroom ngayong taon.
Inamin umano ng suspek ang pananaksak sa kapwa nito estudyante.
Sinabi rin niya sa mga imbestigador na binili niya ang kitchen knife online ilang araw bago mangyari ang krimen.
Sinabi ng municipal board of education na walang binanggit ang dalawang lalaki sa questionnaire survey nito noong nakaraang buwan tungkol sa bullying.
Sinabi ng board na hindi nito alam kung mayroong anumang gulo sa pagitan ng dalawa.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation