Ilang relo ang ninakaw mula sa isang luxury brand shop sa Osaka City, western Japan.
Inalerto ng isang security firm ang mga pulis matapos maka-detect ng isang device ang isang problema sa retailer sa Minami entertainment district bandang 6:30 a.m. noong Lunes.
Ang mga opisyal ng pulisya ay sumugod sa pinangyarihan at nalaman na ang isang eskaparate ay nasira at mga 20 mamahaling relo, na nagkakahalaga ng kabuuang hindi bababa sa humigit-kumulang 131,000 dolyar, ay nawala.
Nakuha ng isang in-store surveillance camera ang isang taong nakasuot ng head lamp na dumurog sa showcase, mabilis na kinuha ang ilang mga bagay mula sa case at inilagay ang mga ito sa isang bag bago tumakas.
Sinabi ng pulisya na itong pangyayaring pagnanakaw ay katulad din ng naganap sa isa pang high-end na tindahan sa di kalayuan noong nakaraang buwan. Ang mga luxury item na nagkakahalaga ng 114,000 dollars ang natangay sa insidenteng iyon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation