Lalaking may dalang kutsilyo sa loob ng tren sa Tokyo, nakapaminsala ng mahigit 17 katao

Sinabi raw ng suspek na siguro makakamit niya ang capital punishment kapag naka-patay siya kahit na dalawang katao, ani ng mga imbestigador. 

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspLalaking may dalang kutsilyo sa loob ng tren sa Tokyo, nakapaminsala ng mahigit 17 katao

Isang batang lalaki na may dalang patalim ay nag-amok at nag-simula ng sunog sa loob ng isang tren sa Tokyo nitong Linggo ng gabi. 17 katao ang nag-tamo ng pinsala sa insidente, kabilang ang isang lalaki na nag-eedad ng 70 anyos na siyang nag-tamo ng saksak at nawalan ng malay. Agad namang naaresto ang suspek.

Ayon sa mga pulis, nag-simulang mang-atake ng mga pasaherong naka-sakay sa tren ang suspek bandang Kokuryou Station sa western na bahagi ng Tokyo sa lungsod ng Chofu. Ang byahe ng tren ay patungo sa Shinjuku Station.

Sinabi ng mga witness na gumamit rin umano ng cigarette lighter liquid upang apuyan ang loob ng tren. Agad na nagliyab sa loob ng tren, medyo lumaki ang apoy na siyang nag-sanhi sa pagka-sunog ng ilang mga upuan.

Nag-emergency stop ang tren sa Kokuryou Station na siyang nag-bigay oras na maka-takas ang mga pasahero.

Inaresto ng mga pulis si Hattori Kyota sa salang tangkang pag-patay. Ibinaba naman daw ng 24 anyos ang kanyang patalim nang sinabihan ng mga pulis.

Sinabi raw ng suspek na siguro makakamit niya ang capital punishment kapag naka-patay siya kahit na dalawang katao, ani ng mga imbestigador.

Na-inspire daw ang suspek sa isang pananaksak na insidente na nangyari nuong buwang ng Agosto sa Odakyu Line train sa Tokyo. Ang nasabing insidente ay nag-iwan ng pinsala sa 10 katao.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund