Ang mga dahon ng taglagas ay nasa iba’ ibang bahagi ng Japan. Dumadagsa ang mga bisita sa sinaunang kabisera ng Kyoto upang masilayan ang iba’t ibang kulay.
Marami ang nagtungo sa magandang Arashiyama area noong Martes, holiday ng Labor Thanksgiving Day.
Isang babaeng nasa 60s na bumisita mula sa Tokyo ang nagsabi, “Matagal na akong hindi nakarating sa Kyoto, kaya nag-e-enjoy ako.”
Ang pangunahing shopping street ay napuno ng mga namamasyal. Nagsimula nang tumaas ang bilang ng mga turista ngayon, dahil bumagsak ito noon dahil sa coronavirus pandemic.
Ang pinuno ng Arashiyama shopping street association, Hosokawa Masahiro, ay nagsabi, “Umaasa kami na mas maraming bisita mula sa malayo ang pupunta sa Kyoto para sa pamamasyal.”
Mahigit isang buwan na mula nang alisin ng gobyerno ng Japan ang coronavirus state of emergency. Ang ilang mga may-ari ng tindahan ay nagpahayag ng pagkabahala na ang pagdagsa ng mga bisita ay maaaring humantong sa isa pang pagdagsa ng mga impeksyon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation