Junior High School, malubhang nasaksak sa paaralan

Sinabi ng mga imbestigador na ang estudyanteng naaresto ay umamin sa nangyaring pananaksak.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspJunior High School, malubhang nasaksak sa paaralan

Isang 14-anyos na estudyante ang nasawi matapos masaksak sa tiyan gamit ang kitchen knife ng isa pang estudyante sa isang junior high school sa Aichi Prefecture, central Japan. Dinala siya sa ospital, kung saan siya ay dineklarang patay na.

Isang junior high school sa Yatomi City ang nag-ulat ng pananaksak sa pulisya pagkaraan ng alas-8 ng umaga noong Miyerkules. Sa mismong loob ng paaralan naganap ang insidente.

Ang estudyanteng sumaksak sa biktima ay ikinulong ng mga guro at inaresto ng mga pulis dahil sa tangkang pagpatay.

Ang mga pulis at iba pang mga mapagkukunan ng impormasyon ay nagsasabi na siya at ang biktima ay magkasing edad at nasa parehong baitang.

Sinabi ng mga imbestigador na ang estudyanteng naaresto ay umamin sa nangyaring pananaksak.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund