Nitong ika-22 ng Nobyembre, binigyang parangal ng Aichi Prefectural Police at Kasugai Pulis Station si Wiljoferson, 24 anyos at nag-tatrabaho sa 7-11 convinience store sa Kasugai Hattamachi store, para sa pagpigil sa pinsala mula sa isang pandaraya.
Noong hapon ng Oktubre 5, isang lalaking customer (80) na nakatira sa lungsod ang tila ay may hinahanap sa tindahan. Isang sulat ang nasa kanyang kamay. “Hindi ko alam kung papaano bumili ng electronic money” ani nito. Tinanong ng staff kung saan ito gagamitin, ito raw ay para sa isang membership registration ng isang application at ito ay aabot nang halagang 492,000 yen.
Nang pinayuhan kong tawagan muli ang operator ng app, kahinahinala ang lalaking sumagot ng telepono. Tumanggi itong makipag-usap at sa halip ay ipinasa ang telepono sa ibang tao ang kanilang paliwanag ay magulo at kahina-hinala ngunit sa bandang huli ay sinabi nito na ito ay “Okay lang yan.”
Saglit pang nakipag-usap ang lalaki sa telepono. Ngunit patuloy na pinayuhan ni Romero ang lalaki na “Mas ligtas na kumunsulta sa pulisya dahil ito ay isang malinaw na pandaraya,” at sila ay nakipag-ugnayan sa Kasugai Police Station ng pulis.Sinabi ng lalaki na siya ay nagpapasalamat sa araw na iyon.
Source and Image: News Yahoo
Join the Conversation