TOKYO
Inaresto ng pulisya sa Tokyo ang isang 70-taong-gulang na babae na hinihinalang pumatay sa kanyang 69-anyos na asawang may sakit, sa pamamagitan ng paghampas sa kanya ng isang plastik na bote na puno ng tubig.
Ayon sa pulisya, pinalo ni Michiko Ota ang kanyang asawang si Ryuichi sa mukha at likod gamit ang isang litrong bote ng tubig sa kanilang apartment bandang 8:30 ng umaga noong Sabado, iniulat ni Sankei Shimbun. Matapos tamaan ang kanyang asawa, lumabas si Ota at bumalik pagkaraan ng limang oras, nadatnan niya ang kanyang asawa na walang malay.
Tumawag si Ota sa 119 at dinala si Ryuichi sa ospital, at kalaunan ay binawian rin ng buhay. Sinabi ng pulisya na nagtamo siya ng bali sa tadyang at iba pang mga pinsala.
Sinabi din ng pulisya na inamin ni Ota ang pananakit sa kanyang asawa at sinabi sa kanila na nawalan siya ng kontrol sa sarili dahil sa pagod sa pag aalaga.
Nagka-pinsala noon ni Ryuichi sa kanyang likod at kasalukuyang tumatanggap ng level 1 nursing care. Noong Sabado, nakatakda siyang bumisita sa kanyang day rehabilitation center, ngunit nagreklamo siya ng pananakit ng likod at ayaw niyang pumunta. Sinabi ni Ota na ito ang naging dahilan ng pagtatalo sa pagitan nilang mag-asawa.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation