Isang lalaki ang ina-resto sa pag-sisimula ng sunog sa loob ng tren

Ito ang pinakabago sa serye ng mga pag-atake sa mga tren ng Hapon na isinagawa nitong mga nakaraang buwan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIsang lalaki ang ina-resto sa pag-sisimula ng sunog sa loob ng tren

Inaresto ng pulisya ang isang lalaki na hinihinalang nagsimula ng sunog sa isang bullet train sa timog-kanlurang rehiyon ng Kyushu ng Japan. Wala namang nasugatan.Sinabi ng mga opisyal na ang indibidwal ay naging inspirasyon ng pag-atake sa Tokyo noong nakaraang buwan.

Sinunog umano ng lalaking pasahero ang sahig ng Kyushu Shinkansen train bago mag alas nuwebe ng umaga noong Lunes habang bumibiyahe ito mula Kumamoto Station papuntang Shin-Yatsushiro Station.

Nagdulot ng emergency alarm ang sunog. Huminto ang tren sa Shin-Yatsushiro Station, kung saan inaresto ng pulisya ang lalaki dahil sa hinalang tangkang pagsunog.

Sinabi ng mga imbestigador na ang suspek ay si Miyake Kiyoshi, isang 69 taong gulang na lalaki mula sa lungsod ng Fukuoka sa Kyushu. Ang insidente ay nakagambala sa mga serbisyo ng Kyushu Shinkansen.

Ito ang pinakabago sa serye ng mga pag-atake sa mga tren ng Hapon na isinagawa nitong mga nakaraang buwan. Noong Halloween, inaresto ng pulisya ng Tokyo ang isang suspek na may hawak na kutsilyo.matapos umano niyang saksakin ang isang lalaki at magpasiklab ng apoy sa umaandar na tren. Labing pitong katao ang nasugatan sa pag-atakeng iyon.
Sinabi ng pulisya at mga kumpanya ng tren na papaigtingin nila ang seguridad matapos ang insidente.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund