Isang kakaibang longhorn beetle na kilala na nakakasira ng mga puno ay natuklasan sa unang pagkakataon sa Japan. Ang mga puno sa gilid ng kalsada sa Fukushima Prefecture ay nasalanta din ng mga ito.
Ayon kay Anzai Yukari, isang arborist sa Koriyama City ay natagpuan niya ang peste sa isang nasirang puno ng kahoy noong Hulyo at ipinadala ito sa pambansang Forestry and Forest Products Research Institute.
Kinilala rin ito ng institusyon bilang isang Apriona swainsoni, isang uri ng longhorn beetle na mula sa China at iba pang mga lugar na hindi pa kailanman natagpuan sa Japan.
Iniulat din ni Anzai na ang mga pesteng ito ay nakatira sa mga puno tulad ng Maackia amurensis, na nakatanim sa mga tabing kalsada at sa mga hardin sa buong Japan.
Sinabi rin niya na halos nasa 54 ang bilang ng mga puno sa isang kalsada sa Koriyama City , at halos 52 rito ay ang nasalanta ng mga peste.
Sinabi ni Kagaya Etsuko, isang dalubhasa sa mga longhorn beetle sa institusyon, na ang insekto ay kilala rin sa China bilang mapaminsala ng mga puno sa gilid ng kalsada. Nagbabala siya na ang pagkalat ng insekto ay kailangang pag-aralan sa lalong madaling panahon upang mapuksa ito bago pa kumalat.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation