Inaprubahan ng mga eksperto na nagpapayo sa gobyerno ng Japan ang paggamit ng mga talaan ng bakuna laban sa coronavirus at patunay ng mga negatibong resulta ng pagsusuri upang i-relax ang mga social restrictions.
Tinalakay ng panel ng mga eksperto noong Martes ang plano ng gobyerno na ipakilala ang tinatawag na “vaccine and PCR testing package” na programa, upang mapanatili ang mga aktibidad sa lipunan at ekonomiya kahit na may impeksyon.
Sa ilalim ng draft outline ng gobyerno, ang mga dining establishment at event planner na naglalayong irelax ang mga panuntunan, ay mag pre-register sa mga prefectural na pamahalaan upang magamit ang programa.
Hihilingin nila sa mga customer o bisita na magpakita ng alinman sa patunay ng pagbabakuna o negatibong resulta ng pagsusuri.
Ang isang sertipiko ng bakuna ay kailangang ipakita na ang pangalawang dosis ay ibinigay nang hindi bababa sa 14 na araw na mas maaga, ngunit ang sertipiko mismo ay ituring na wasto nang walang katapusan, sa ngayon.
Habang ini-greenlight ang plano, nagbabala ang mga eksperto na ang mga taong ganap na nabakunahan ay maaari pa ring magdulot ng panganib sa impeksyon, gayundin ang mga nagnegatibo sa pagsusuri.Nanawagan din sila ng pag-aaral sa paglilimita sa bisa ng mga sertipiko ng bakuna.
Idinagdag ng mga eksperto na dapat isaalang-alang ng gobyerno ang pagsuspinde sa paggamit ng proof-based na programa, kapag ang sitwasyon ng impeksyon ay umabot sa antas ng tatlo sa bagong limang-puntong sukat.
Ikatlong antas, sa sukat na zero hanggang apat, ay nangangahulugan na ang mga ospital ay hindi makayanan ang mga pasyente ng coronavirus maliban na lamang kung pigilan nila ang regular na medikal na paggamot para sa mga sakit maliban sa COVID-19.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation