Humihingi ng pag-aprubang FDA ang Pfizer para sa COVID-19 pill

Ipinakita ng datos na napa-baba ng 89 percent ng gamot ang risk ng pagkakaospital o pagkamatay na nauugnay sa COVID-19.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspHumihingi ng pag-aprubang FDA ang Pfizer para sa COVID-19 pill

Hiniling ng US pharmaceutical company na Pfizer sa US Food and Drug Administration na pahintulutan ang emergency na paggamit ng antiviral COVID-19 pill nito.

Ginawa ni Pfizer ang anunsyo noong Martes. Humihingi ito ng pag-apruba sa gamot upang gamutin ang mga hig-risk adult patient na kasalukuyang mayroong mild hanggang moderate sintomas na lamang.

Sinabi ng kumpanya na ang oral antiviral ay idinisenyo upang harangan ang pag-dami ng virus. Ito ay gagamitin kasama ng ritonavir isang gamot para sa HIV.

Binanggit ng Pfizer ang mga resulta ng isang klinikal na pagsubok na inilabas nito noong Nobyembre 5. Ipinakita ng datos na napa-baba ng 89 percent ng gamot ang risk ng pagkakaospital o pagkamatay na nauugnay sa COVID-19.

Ang isa pang kompanya ng parmasyutiko sa US na Merck, ay humiling din ng pag-apruba ng FDA para sa pang-emerhensiyang paggamit ng molnupiravir, isang oral na antiviral na gamot na idinisenyo upang maiwasan ang pagbuo ng mga malubhang sintomas ng coronavirus . Pinahintulutan ng British medicines regulator ang paggamit ng gamot noong Nobyembre 4.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund