Sinasabi ng mga mananaliksik sa isang aquarium sa southern Japan na halos 20 porsiyento ng mga sea turtles na natagpuang patay sa baybayin ng Okinawa Prefecture ay aksidenteng naka-konsumo ng mga lubid, plastik at iba pang basura.
Ang Okinawa Churaumi Aquarium ay pinag-aralan ang 484 na namatay na pawikan sa dagat na naanod sa baybayin ng pangunahing isla ng prefecture sa pagitan ng 1990 at 2019.
Sinakop ng survey ang mga green turtles, loggerhead turtles at hawksbill turtles.
Nasa 90 ang natagpuang may basura sa kanilang mga katawan. Ang isang pagong ay may dalawang litro ng basura na nakaipit sa tiyan nito.
Sinabi ng mga opisyal ng aquarium na ang mga berdeng pawikan ay may posibilidad na lumunok ng mga lubid ng mangingisda samantalang ang mga loggerhead at hawksbill ay kumakain ng mga plastik na labi.
Ang pag-aaral ay ang kauna-unahang isinagawa sa ganoong kalaking sukat. Ang isa sa mga papel na natuklasan ay nai-publish sa isang internasyonal na akademikong journal.
Ang opisyal ng aquarium na si Sasai Takahide ay nagsabi na ang mga sea turtles ay nagkakamali sa pagkain ng mga basurang likha ng mga tao. Sinabi rin niya na umaasa siyang mag-ingat ang mga tao sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay na hindi makagawa ng basura na maaaring maging marine debris.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation