Isang grupo ng mga institusyong medikal sa Japan ang humiling sa gobyerno na pagbutihin ang mga sistema ng health insurance upang suportahan ang mga dayuhan na hindi kayang magbayad ng mga gastusin sa pagpapagamot sa hospital.
Ang Japan Federation of Democratic Medical Institutions ay nagsumite ng mga dokumento na may kaugnayan sa kahilingan sa mga ministry of health and justice. Ang grupo ay nagsagawa ng isang news conference sa Tokyo noong Lunes.
Sa Japan, ang mga dayuhan na ang resident status ay mag-expire ng tatlong buwan, gayundin ang mga refugee asylum seeker, ay hindi pinapayagang sumali sa mga programa ng health insurance.
Kailangan nilang bayaran ang buong halaga ng pagpapagamot.
Sinabi ng federation na ang ilan sa mga taong iyon ay sumuko na sa pagtanggap ng medikal na paggamot kapag sila ay nagkasakit. Hinihiling ng grupo sa gobyerno na tulungan ang naturang mga dayuhan sa kanilang mga gastusin sa pagpapagamot.
Isang Iranian refugee asylum seeker ang nakibahagi sa news conference. Sinabi niya na maraming mga dayuhan ang hindi makasali sa anumang health insurance plan at hindi makatanggap ng paggamot kapag sila ay nagkasakit. Sinabi niya na ito ay isang life and death situation, na idiniin ang pangangailangan na baguhin ang mga sistema ng insurance.
Sinabi ng senior federation official na si Kishimoto Keisuke na dapat mabilis na lumikha ang gobyerno ng isang sistema para matulungan ang mga dayuhan sa pagbabayad ng kanilang medical bills.
Sinabi ng health ministry na susuriin nito ang kahilingan.
Join the Conversation