AIZUWAKAMATSU, Fukushima — Isang illumination event sa Tsurugajo Castle park sa Fukushima ang kasalukuyang ginaganap. Humigit-kumulang na 600 na lights aang nag dagdag ng ningning sa mga puno at batong pader ng parke.
Ang kaganapan ay inorganisa ng Pamahalaang Bayan ng Aizuwakamatsu bawat taon upang isulong ang turismo sa gabi. Ngayong taon, bilang karagdagan sa dilaw at pulang kulay na mga dahon sa mga puno ng ginkgo at maple, ang mga puno ng cherry blossom sa kastilyo ay pina ilaw din. Ang vermilion corridor bridge sa pagitan ng panlabas na kuta at ang keep ay naiilawan din.
Ang mga dahon ng taglagas ay mananatili hanggang sa bandang Nobyembre 14. Ang illumination event ay gaganapin mula sa paglubog ng araw hanggang ika-9 ng gabi. hanggang sa Nob. 23. Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan sa tourism division ng munisipal na pamahalaan sa 0242-39-1251 (sa wikng Japanese).
(Orihinal na Japanese ni Kengo Miura, Aizuwakamatsu Local Bureau)
Join the Conversation