Ang mga executive sa isa sa pinakamalaking chain ng convenience store sa Japan ay naglalagay ng robot sa likod ng fridge kung saan nakalagay ng mga inumin sa isang outlet sa Tokyo.
Ang mga opisyal ng FamilyMart ay nagtalaga ng mga robot upang mag-imbak sa mga istante ng malamig na inumin sa isang konbini nila sa industry ministry building.
Gumagamit ang robot ng mga camera para subaybayan ang mga stock, at awtomatikong linalagyan ang mga ito.
Sinabi ni FamilyMart President Hosomi Kensuke, “Ang average na temperatura sa refrigerator ng mga inumin ay 5 degrees Celsius. Kami ay kumpiyansa na magagawa ng mga robot ang mga tungkulin sa mahirap na kapaligirang ito.”
Ang mga stocking na inumin ay umaabot hanggang sa ikatlong bahagi ng workload sa mga convenience store.
Umaasa ang mga opisyal ng FamilyMart na sa kalaunan ay makakatulong ang sistema para mabawasan ang kakulangan ng manggagawa sa buong industriya.
Join the Conversation