Opisyal na inirerekomenda ng US Centers for Disease Control and Prevention ang paggamit ng Pfizer-BioNTech coronavirus vaccine para sa mga batang may edad na lima hanggang 11.
Inihayag na ni CDC Director Rochelle Walensky ang desisyon noong Martes matapos ang isang panel ng ekspertong advisory ay nagkakaisang sumang-ayon na irekomenda ang hakbang na ito.
Sinabi din ng panel na ang mga benepisyo sa paggamit ng bakuna sa murang edad ay mas malayo sa anumang impeksyon.
Ayon kay Walensky, na ang pag dedesisyon ay isang mahalagang hakbang sa pagsulong laban sa virus na nagdudulot ng COVID-19.
Sinabi rin niya na inirerekomenda na ngayon ng CDC na humigit-kumulang 28 milyong bata ang makakatanggap ng bakuna laban sa COVID-19.
Hinikayat niya ang mga magulang na may mga katanungan na makipag-usap sa kanilang mga pediatrician, mga nars ng paaralan o mga lokal na parmasyutiko upang matuto nang higit pa tungkol sa bakuna at kung ano ang kahalagahan ng pagpapabakuna sa kanilang mga anak.
Sinimulan na ng gobyerno ng US ang pagpapadala ng mga pediatric dose sa mga institusyong medikal at parmasya sa buong bansa. Ang ilang mga pasilidad ay nagbibigay na ng mga jab.
Inilahad na rin ng mga opisyal ng gobyerno na plano nilang ilunsad ang programa ng pagbabakuna sa linggo simula Nobyembre 8.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation