NAGOYA –Upang mabawasan ang food waste sa bansa, may tatlong kumpanya sa Nagoya ang sama-samang nag-install ng mga vending machine para magbenta ng mga pagkain na malapit nang mag-expire at binibenta ito sa murang presyo.
Ang mga produkto na inaalok mula sa mga makina ay ligtas na kainin ngunit hindi maaaring ibenta sa mga tindahan. Kabilang dito ang mga meryenda sa lagpas na sa season tulad ng mga para sa Halloween, at mga produktong may sira ang pakete.
Ang mga vending machine ay inilagay sa loob ng JR Nagoya Station at sa tatlo mga kalapit na lokasyon noong Okt. 29 ng tatlong kumpanya sa pangkat ng Central Japan Railway Co. (JR Central), kabilang ang JR Tokai Takashimaya Co.
Ang mga produkto ay ibinebenta sa 30% hanggang 50% mula sa karaniwang mga presyo. Ang mga vending machine ay ang una sa kanilang uri sa bansa na na-install upang mabawasan ang maraming basura ng pagkain ng mga manufacturers.
Sa ilalim ng scheme, irerehistro ng mga customer ang kanilang credit card o ibang paraan ng pagbabayad sa itinalagang “fuubo” website sa https://fuubo-nofoodloss.com/ (sa Japanese) at makatanggap ng password, na nagbibigay-daan sa kanila na makuha ang mga item mula sa mga makina.
Sampung uri ng mga item kabilang ang cup noodles at tinapay ay ibinebenta sa pamamagitan ng mga makina, at ang mga presyo ng mga ito ay nag-iiba depende sa mga petsa ng pag-expire.
(Japanese original ni Shiho Sakai, Nagoya News Center)
Join the Conversation