Ang isang manatee sa isang aquarium sa pinakatimog nang prefecture ng Okinawa sa Japan ay umabot na sa 20 taong gulang noong Oktubre, na nagdagdag ng isa pang taon bilang pinakamatanda sa mga manatee na ipinanganak at lumaki sa pagkabihag sa Japan.
Ang West Indian manatee na si Yuma ay ipinanganak noong Oktubre 13, 2001, sa Okinawa Churaumi Aquarium.
Siya ay humigit kumulang 115 sentimetro ang haba mula sa nguso hanggang sa buntot at may timbang na humigit kumulang 28 kilo mula ng ipinanganak.
Dahil sa mabuting kalusugan, si Yuma ay lumaki nang higit sa 300 sentimetro ang haba at tumitimbang ng humigit kumulang 700 kilo.
Ito ay nasa 40 taong gulang na sa taon ng mga tao.
Sinabi ni Makabe Masae ng aquarium na si Yuma ay napakabait, maganang kumain at ang pinakamalaking manatee doon.
Dagdag pa niya, umaasa siyang magkaroon ng baby si Yuma pagdating ng panahon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation