Ang dating Japanese princess na si Mako Komuro at ang kanyang asawang si Kei Komuro ay dumating sa John F. Kennedy International Airport sa New York noong umaga ng Nob. 14 pagkatapos umalis mula sa Haneda Airport ng Tokyo sakay ng isang commercial flight.
Si Mako, 30, ang nakatatandang anak na babae ni Crown Prince Akishino (Fumihito), ikinasal kay Kei, 30, noong nakaraang buwan at ang mag-asawa ay magsisimula ng bagong buhay sa New York kung saan nakakuha na sila ng tirahan. Nagtatrabaho si Kei sa isang law firm sa Manhattan.
Nang bumaba ang mag-asawa sa airport, ang temperatura sa New York ay 4 degrees Celsius. Si Mako ay nakasuot ng dark green coat, habang si Kei naman ay naka sweater. Hindi nagpakita ng pagod sa mahabang byahe, ilang beses silang yumuko nang tanungin sila ng mga miyembro ng press, bago sumakay sa isang van na naghihintay sa airport.
Tila masaya si Mako sa ligtas na pagdating sa New York. Ilang beses siyang yumuko at ngumiti sa mga nag-aalala na nag-welcome sa kanya sa airport, bago siya hinikayat ni Kei na sumakay sa sasakyan.
Si Kei, na naghahangad na maging abogado sa United States, ay pansamantalang bumalik sa Japan noong Setyembre 27 para paghandaan ang kanilang kasal. Ang mag-asawa ay nag-file ng kanilang kasal noong Oktubre 26 at si Mako ay umalis sa Imperial Family. Matapos lumipat sa isang condominium sa Shibuya Ward ng Tokyo, naghahanda sila para sa kanilang paglipat sa U.S. kasama na ang pagkuha ni Mako ng pasaporte.
(Orihinal na Japanese ni Toshiyuki Sumi, New York Bureau, at Takeshi Wada, Tokyo City News Department)
Join the Conversation