Share
TOKYO – Nagtala ang Tokyo ng 36 na bagong kaso ng covid. Ito ay ang ika-11 na araw na magkakasunod na mababa sa 100 ang bilang ng mga kaso.
Naitala noong Oktubre 18, ang 3,095 katao na namatay sa COVID-19 sa Tokyo mula nang magsimula ang pandemya sa Japan noong spring ng 2020.
Ang Tokyo ay nagtala ng 377,264 na mga impeksyon hanggang ngayon, ang pinakamaraming kabilang sa 47 na prefecture ng Japan. Hanggang Oktubre 18, mayroong 326 na mga pasyente ng COVID-19 na naospital sa Tokyo, 31 na may malubhang sintomas.
(Mainichi)
Join the Conversation