TOKYO- Ini-ulat ng Tokyo Metropolitan government nitong Linggo ang 60 na bagong kaso ng coronavirus, ito ay bumaba na ng 22 bilang mula nuong Sabado at 101 mula nuong nakaraang Linggo, at ito ang pinaka-mababang pigura ngayong taon.
Ang bilang ng mga taong nahawaan ng impeksyon na na-ospital dahil sa malubhang kondisyon sa Tokyo ay nasa 67 katao, bumaba lamang ng isa mula nuong Sabado, ayon sa mga health officials. Ang kabuoang pigura sa buong bansa ay nasa 483, bumaba ng 18 mula nuong Sabado.
Sa buong bansa, ang bilang ng mga nai-ulat na kaso ay nasa 553. Ang Osaka ay ang mayroong pinaka-mataas na bilang (105), kasunod ay Tokyo at Kanagawa (54), Aichi (35), Chiba (30), Saitama (28), Hyogo (27), Kyoto (24) at Fukuoka (18).
Ang nai-ulat na bilang ng mga pumanaw sanhi ng coronavirus sa buong bansa ay 10.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation