Tokyo, inangat na ang restrikyon ng Covid-19 sa mga kainan

Ang lahat ng kainan ay kakausapin na limitahan ang group size na hanggang apat na katao kada table at kailangan na makapag-pakita sila na ang mga ito ay fully vaccinated na.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspTokyo, inangat na ang restrikyon ng Covid-19 sa mga kainan

Iniangat na ng Tokyo Metropolitan Government ang lahat ng coronavirus-related restrictions sa lahat ng dining establishments sa kapitolyo matapos ang pag-baba ng mga bilang bagong impeksyon at mga naoospital na tao.

Mula sa Lunes, ang mga restaurants at bars na may certified na sumusunod sa mga anti-infection measures ay hindi na sinasabihan na iklian ang kanilang business hours o i-hinto ng alas-8:00 ng gabi.

Habang ang mga certified eateries ay maaari nang bumalik sa kanilang yusuwal na negoso sa kauna-unahang pagkaka-taon sa loob ng 11 buwan, at ang mga hindi pa certified ay masasabihan na itigil ang pag-silbi ng mga serbesa pag-sapit ng alas-9:00 ng gabi.

Ang lahat ng kainan ay kakausapin na limitahan ang group size na hanggang apat na katao kada table at kailangan na makapag-pakita sila na ang mga ito ay fully vaccinated na.

Ang metropolitan government ay nag sabi na irereinforce daw muli ang anti-coronavirus measures hanggang sa matapos ang buwan ng Nobyembre upang ma-revive ang social at economic activity habang pinipigilan ang muling pag-balik ng impeksyon.

Kinikitang maraming tao ang mga nais kumain sa labas at muling mag-engage sa kanilang mga social activities sa ngayong pag-tatapos ng taon, na kung saan magiging mataas muli ang risk ng impeksyon.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund