Ang pinaka malaking kilalang skeleton ng isang tricerotops dinosaur ay nai-auction sa halagang 6.65 milyong euro o aabot nang 7.74 milyong dolyares sa Paris.
Ang auction house ay nag-sabi na ang fossilized remains, na pinangalanan bilang “Big John”, na may sukat na mahigit 7 metro kahaba at ang kanyang bungo ay mayroon ding 2 metro ang lapad.
Ang fossil ay naka-kuha nang mahigit apat na beses kaysa sa estimated price sa auction nuong Huwebes.
Ang Tricerotops ay pinaniniwalaang lumakad sa kamunduhan nuong 66 milyong taon na ang nakalilipas. Ang unang piraso ng skeleton na nadiskubre ay sa Estados Unidos nuong taong 2014.
Ang mga labi ay natagpuan sa isang magandang kondisyon , na siyang nag-tulong sa paleontologists na mahukay ang mahigit 60 porsyentong natitirang bahagi ng skeleton.
Ang fossil na gawa ng mahigit 200 na piraso ay dinala sa Italya at ini-ayos ng ilang mga eksperto.
Isang taga-represent ng naka-bili , isang amerikanong kolektor ang nagsabi sa mga reporters na ang mga bagong may-ari ay nagagalak na makuha at mabuo na si Big John upang makita na ng lahat.
Source: NHK World Japan
Join the Conversation