Princess Mako, binisita ang Emperor at Empress

Nakatakdang magpa-rehistro ng kanilang kasal sina Princess Mako at Komuro sa Martes ng umaga bago pa magsa-gawa ng isang news conference sa isang hotel kinahapunan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspPrincess Mako, binisita ang Emperor at Empress

Binisita ni Princess Mako ng Japan sina Emperor Naruhito at Empress Masako bago pa man sumapit ang kanyang nalalapit na kasal.

Ang pinaka-matandang anak na babae ni Crown Prince at Princess Akishino ay naka-takdang ikasal sa kanyang dating kamag-aral sa kolehiyo na si Komuro Kei sa susunod na Martes. Matapos ikasal, ang Prinsesa ay iiwanan na ang Imperial Household at magiging pangkaraniwang mamamayan.

Isang sasakyan na nag-lululan sa Prinsesa ang dumating sa Imperial Palace nuong Biyernes ng hapon. Siya ay nag-pugay sa mga reporters at mga nag-lalakad na mga tao habang papasok sa Hanzomon Gate.

Nakipag-kita ang Emperor at Empress kay Princess Mako nang mahigit isang oras sa kanilang tahanan. Agad din dumalo ang anak ng mag-asawa na si Princess Aiko at ang aso ng pamilya na si Yuri.

Ang mga prinsesa ay pangkaraniwang namamaalam sa Emperor at Empress bilang parte ng ilang pormal na ritwal bago magpakasal. Subalit, ang pakikipag-kita ni Princess Mako ay isinagawa sa pribadong basehan at walang ritwal.

Si Princess Mako ay magiging 30 anyos na sa Sabado. Siya ay naka-takdang magpaalam sa kanyang lolo at lola na sina Emperor Emeritus Akihito at Empress Emerita Michiko ngayong Lunes.

Nakatakdang magpa-rehistro ng kanilang kasal sina Princess Mako at Komuro sa Martes ng umaga bago pa magsa-gawa ng isang news conference sa isang hotel kinahapunan.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund