Pinaka-malamig na temperaturang na-itala ngayong season

Maganda naman ang panahon sa halos ilang rehiyon sa buong bansa. Ngunit umulan o nag-snow sa northern Japan sa kasagsagan ng Japan Sea coast at sa ilang mabundok na lugar. Ipinapa-alalahanan ng ahensiya na mag-ingat ang mga tao sa mga frozen na kalsada.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspPinaka-malamig na temperaturang na-itala ngayong season

Ayon sa weather agency ng Japan, ang pinaka-malamig na temperatura sa season ngayon ay na-itala sa buong bansa nitong Lunes ng umaga, dahil sa malakas na pag-ihip ng malamig na hangin.

Ang malamig na hangin ay nag-dala ng kauna-unahang niyebe sa Wakkanai at iba pang mga lungsod sa northernmost prefecture ng Hokkaido isang araw ang nakalipas.

Nuong Lunes, maaliwalas na panahon ang makikita sa maraming lugar sa bansa. Bumaba ang temperatura na parang wala kang makitang ulap sa kalangitan upang harangin ang init mula sa kalupaan papuntang kalawakan.

Ang temperatura na minus 5.6 degrees Celcius ay nai-tala sa Shibecha Town ng Hokkaido. Ang temperatura ay bumagsak sa 3.5 degrees sa northern Japan sa Morioka City, 9 degrees naman sa Nara, at 9.2 degrees sa central Tokyo. Ang lamig na nadarama kapag sumasapit ang pag-gabi ay kaparehas lamang na tipikal na nararamdaman at nai-tatala tuwing early to mid-November.

Maganda naman ang panahon sa halos ilang rehiyon sa buong bansa. Ngunit umulan o nag-snow sa northern Japan sa kasagsagan ng Japan Sea coast at sa ilang mabundok na lugar. Ipinapa-alalahanan ng ahensiya na mag-ingat ang mga tao sa mga frozen na kalsada.

Ang average daytime highs na ipino-forecast sa western Japan. Ang temperatura ay maaaring umabot ng 22 degrees sa mga lungsod ng Fukuoka at Osaka.

Ngunit ang mababa na usuwal na arawan ay inaasahan sa eastern at northern Japan. Ang temperatura ay nag-babadyang umabot ng 18 degrees sa Tokyo, 15 degrees sa Sendai City, at 9 degrees sa Asahikawa City.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund