Ang drug makers ay humingi ng pahintulot sa US regulators nitong Thursday na aprubahan ang kanilang coronavirus vaccine para sa mas nakababatang mga tao. Nais ng Pfizer and BioNtech na aprubahan ng Food and Drug Administration ang pag-gamit ng bakuna sa mga nag-eedad ng 5-11 anyos.
Ang Pfizer/BioNtech vaccine ay na-aprubahan na para sa emergency use sa mga batang nag-eedad ng 12 hanggang 15 anyos. Nag-sumite ng datos ang mga opisyales ng kumpanya mula sa kanilang clinical trials na nag-suggest na ang mga bakuna ay nag-bibigay rin ng isang malakas na immune response sa mga mas naka-babatang bata.
Ang mga participants ay naka-tanggap ng third of the dose kumapara sa ibinibigay sa mga matatanda. Sila ay binigyan ng ikalawang bakuna makalipas ang tatlong linggo. Ang mga trials ay nag-pakita na ang mga bata ay nag-produce ng mga antibodies sa mga level na katulad nang ipinu-produce ng mga teenagers at adults.
Ang mga kabataan ay bibihirang maging malubha mula sa isang virus. Ngunit ayon sa mga doktor nuong nakaraang buwan, ang mga bata ay kabilang sa isa sa apat na impeksyon sa buong bansa. Ang Delta variant ay nag-sanhi ng mga pagka-ospital ng libo-libong mga tao.
Naka-takdang mag-pulong ang FDA advisory committee sa ika-26 ng Oktubre, upang i-review ang datos mula sa trials.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation