Muli nanaman dumadaloy ang tubig sa Lungsod ng Wakayama, western ng Japan, matapos mag-install ng pansamantalang bypass ang mga mang-gagawa matapos mag-collapse ang pipeline bridge.
Muling nagkaroon ng supply ng tubig ang lungsod nuong umaga ng Sabado, makalipas ang anim na araw na walang tubig. Isang pansamantalang pipeline ang inilagay sa malapit sa tulay.
Sa isang tahanan, isang kulay brown na tubig ang umagos sa labas na gripo nang kanilang bahay bandang alas-8:30 ng umaga.
Binalaan ng mga opisyal ang mga tao na huwag inumin ang tubig mula sa gripo dahil ito ay madumi pa. Pinaki-usapan rin ng mga ito na limitahan ng mga residente ang pag-gamit ng sobrang tubig.
Ang mga pipeline sa Kinowa River ay gumuho nuong Linggo, na siyang nag-sanhi ng pagka-wala ng tubig sa mahigit 60,000 kabahayan, o mahigit 40 porsyento ng lungsod.
Kasalukuyang nag-momonitor ang mga opisyales sa isang bagong supply at nagpa-plano na i-post ang mga notice sa website ng lungsod at social media kapag ito ay nakumpirma na nila na ito ay ligtas inumin.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation