Nag-babadya ang sama ng panahon sa northern at eastern Japan

Ang unstable atmospheric condition ay maaari rin mag-dala ng strong localized thunder showers, malakas na hangin at hail.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Binabalaan ng mga weather officials ang mga tao sa masamang kondisyon ng panahon sa Sea of Japan sa northern at eastern coast ng bansa nitong Miyerkules, at unstable weather sa bansa.

Ipinahayag ng Japan Meteorological Agency na ang warm at moist air ay nagfu-fuel sa malakas na cold air mass at low pressure system sa buong rehiyon.

Ilang parte sa Sado sa Niigata Prefecture ay tinamaan ng malalakas na hangin na aabot sa 86 kilometers per hour nitong umaga ng Miyerkules. Makikita rin ang pag-develop ng mga rain clouds.

Ayon pa sa mga opisyal, magdedevelop pa raw ang low pressure habang ito ay dumaraan sa northern Japan. Binabalaan nila ang mga ito sa maaaring malalakas na hangin lalo na sa karagatan ng Hokuriku at Niigata hanggang tanghali ng Miyerkules, at sa baybayin ng Karagatan ng Japan sa northern Japan hanggang kinahapunan.

Ang lakas ng hangin ay maaaring umabot hanggang 90 kilometers per hour offshore ng Tohoku at Niigata at tinatantiyang 83 kilometers per hour sa Hokkaido. Ang lakas ng hangin ay maaaring umabot hanggang 126 kilometers per hour.

Ang unstable atmospheric condition ay maaari rin mag-dala ng strong localized thunder showers, malakas na hangin at hail.

Pinapayuhan ang mga mamamayan na lumikas kapag naka-dama ng biglang pag-lamig ng hangin, na siyang sinyales na may paparating na thunderheads.

Source: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund