Multilingual support, nilunsad para sa pag-babakuna

Ang ahensiya ay tatanggap ng reserbasyon hanggang sa katapusan ng Nobyembre sa Tokyo. Kinakailangan na mayroong vaccination vouchers na inissue ng mga munisipalidad upang maka-kuha ng appointment.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMultilingual support, nilunsad para sa pag-babakuna

Sinimulan na ang mga coronavirus vaccination na suportado ng isang multiligual assistance sa mga ospital sa Tokyo at ibang pang mga lugar.

Nag-lunsad ng isang programa ang Japan immigration Services Agency na sumusuporta sa 18 lengwahe matapos maka-tanggap ng mga ulat na marami pang mga banyaga ang humaharap sa language barrier o hirap sa pag-kuha ng vaccine vouchers. Ang pag-rereserba ay nag-simula pa nuong kalagitnaan ng Oktubre.

Nitong Miyerkules, pitong katao kabilang ang mga Vietnamese, Chinese at Paraguayan national ang bumisita sa isang ospital sa Central Tokyo.

Sila ay nakipag-usap sa doktor sa tulong nang isang online interpreter services bago makatanggap ng bakuna.

Isang Vietnamese na kasalukuyang naninirahan sa Chiba Prefecture ang nag-sabi na hindi niya alam na ang isang tao na mayroong short-term visa ay maaari rin makatanggap ng bakuna habang nasa bansa. Ani rito nabalitaan niya ang programa mula sa isang kaibigan.

Isang tao naman na mula sa Paraguay na kasalukuyang naninirahan sa Kanagawa Prefecture ay nag-sabi na siya ay nagpa-reserba nuon pang katapusan ng Septyembre ngunit nahawaan ng impeksyon sa kanyang trabahuhan.

Idinagdag rin nito na siya ay nawalan ng pag-asa sa kung papaano muling magpa-reserba at ngayon ay natutuwa dahil sa wakas siya ay nabakunahan na.

Ang ahensiya ay tatanggap ng reserbasyon hanggang sa katapusan ng Nobyembre sa Tokyo. Kinakailangan na mayroong vaccination vouchers na inissue ng mga munisipalidad upang maka-kuha ng appointment.

Maaaring maka-kuha ng appoitment sa pamamagitan ng pag-tawag sa numerong ito: 03-4332-2601.

Mayroon namang assistance sa kung papaano maka-kuha ng mga vaccination vouchers kapag tumawag sa toll free number na ito: 0120-76-2029

Ang pag-babakuna ay available sa mga ospital sa Tokyo, Osaka at Nagoya.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund