Mahigit 200 na isda ang natagpuang patay sa isang fish pens malapit sa port ng Okinawa, southwestern Japan. Isang lokal na fishery cooperative ang naniniwala na ang mga mackerel ay naka-lunok ng mga pumice debris (bato mula sa sumabog na bulkan) mula sa undersea volcano eruption mahigit 1,000 kilometro ang layo.
Ang fisheries cooperative sa Kunigami Village ay nag-sabi na ang mga patay na isda ay kabilang sa 300 isda na inaalagaan sa isang malapit na fishing port ng Hentona sa northern part ng mainland ng Okinawa. Ang mga nasabing isda ay naka-takdang ipa-ship sa Tokyo.
Ayon sa cooperative officials, ang pumice na ipinoroduced ng eruption na nangyari sa Ogasawara island chain nuong August ay umabot sa mga hawla ng mga isda. Sinabi nila na may natagpuang mga maliliit na pumice sa loob ng isda. Nag-suspetsa sila na ang mga isda ay namatay matapos mapagkamalang pagkain ang mga debris.
Ang pinuno ng kooperatiba na si Murata Yoshihisa ay nag sabi na ang mga dumaloy na pumice ay nag-pipigil sa mga fishing operations sa loob na ng isang linggo. Idinagdag rin niya na dahil sa pinaka-latest na development, hindi rin nila mai-ship ang mga isda na nasa pen.
Ang pag-sabog ng bulkan sa ilalim ng karagatan ay nangyari nuong ika-13 ng Agosto na siya naka-gawa ng dalawang islet. Ayon sa mga researchers ito ang ikalawa sa pinakamalaking pag-sabog ng bulkan sa Japan mula pa nuong 1914 na pag-sabog ng bulkan ng Sakurajima.
Ang pumice ay pinaniniwalaang inanod ng dagat mula sa pag-sabog ng bulkan sa pangpang sa isla sa southwest Japan. Isang Japan Coast Guard patrol boat ang naistranded sa mainland ng Okinawa nuong Sabado matapos magkaroon ng problema sa pumice sa operasyon ng barko.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation