Ayon sa Tokyo Metropolitan Government kumpirmado ang 62 bagong kaso ng coronavirus nitong Huwebes. Ang arawang talaan ay bumaba na ng 100 sa loob ng anim na araw.
Ang bilang ay bumaba ng 81 mula nuong nakaraang linggo, at ang pinaka-mababa ay nitong Huwebes ngayong taon. Ito rin ay ang ikatlong mababang pigura ngayong taon sa kapitolyo.
Ang mga eksperto ng Tokyo panel ay nag-pulong nitong Huwebes upang i-assess ang sitwasyon ng coronavirus upang maipag-patuloy ang hakbang upang maka-iwas sa impeksyon habang pina-bubuti ang sitwasyon sa bansa.
Pinapanatili ng panel ang alert level para sa sitwasyon ng impeksyon sa third-highest sa four-tier scale, at nanawagan sa mga tao na ipag-patuloy ang kanilang basic anti-infection measures.
Pinanatili rin ng mga eksperto sa alert level ang mga medical care system sa second highest.
Sinabi nila na kahit bumababa ang bilang ng mga bagong impeksyon, ang strain sa emergency at critical care system ay nananatili.
Ayon sa mga ito, 80 porsyento ng mga pasyente na may malubhang sintomas ay nananatiling naka-ventilator sa loob ng 14 araw o mahigit pa, at ang mga pasyenteng ito ay maaaring manatili sa intensive care sa loob ng mahabang panahon.
Ini-ulat rin ng mga opisyal sa Tokyo sa isang pag-pupulong na 63.3 porsyento ng mga residente sa kapitolyo ay naka-tanggap na ng 2 dose ng coronavirus vaccine nitong Martes.
Sinabi rin ng mga eksperto na kailangang mai-promote pa ang pag-babakuna bilang pag-hahanda sa tag-lamig, kung saan kinikita nilang maaaring mag-taas ang risk sa pag-laganap muli ng impeksyon.
Ang pagka-epektibo ng bakuna ay nagpe-prevent ng mga malubhang kaso at bumababa ang risk ng kamatayan kung ito ay mas maipapahayag ng mabuti sa komyunidad.
Matapos ang pag-pupulong, ipinahayag ni Tokyo Governor Koike Yuriko na ito ang panahon upang i-prevent ang pag-rebound ng mga kaso matapos mai-alis ang state of emergency.
Idinagdag ni Koike na dapat magsa-gawa ng mga efforts upang mas mapa-lakas ang ilang prevention measures na siyang ginagawa na bilang parte ng pang-araw araw na gawain, at upang ma-bawasan ang karagdagang impeksyon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation