Mahigit 60 porsyento na ng papulasyon ng Japan ang naka-tanggap na ng ikalawang dose ng bakuna laban sa coronavirus.
Inilabas ng pamahalaan ang datos ng bakuna laban sa COVID-19 nuong Lunes.
Ipinapa-kita na mahigit 90.2 milyong katao o 71.3 percent ng buong papulasyon ng bansa ang naka-tanggap na ng kanilang unang dose ng bakuna at halos 77.1 milyong katao na o 60.9 percent ang mga fully vaccinated na.
Kabilang sa kalkulasyon ang mga bata na nag-eedad ng 12 pababa na hindi pa pinapayagang mabakunahan.
Ang buong bilang ng mgq nabakunahan na sa bansa ay umabot na sa 167.4 milyon.
Kung igu-grupo sa edad, para sa mga matatanda na nag-eedad na 65 at pataas, 89.4 percent ay naka-tanggap na ng ikalawang bakuna, habang ang mga nag-eedad na 40s ay 51.1 percent; at para sa mga nag-eedad 20s ay 39.4 percent at para sa mga batang nag eedad ng 12 hanggang 19 anyos, 26.8 percent ay kumpleto bakuna na.
Plano ng pamahalaan na tapusin ang pag-babakuna sa mga mamamayan na nais maka-tanggap ng bakuna nagyong Oktubre, o sa panimula ng Nobyembre.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation