Share
Sinabi ng Meteorological Agency na isang lindol na may lakas na tinatayang 5.5 ang tumama sa timog-kanluran ng Japan kahapon ng miyerkules. Walang namang naging banta ng tsunami
Ang lindol ay naganap bandang 5:13 ng hapon noong Miyerkules. Batay sa sukat ng intensity mula zero hanggang pito, nakarehistro ito ng intensity 4 sa mga lungsod ng Nichinan at Kushima ng Miyazaki Prefecture.
Sa kalapit na prefecture ng Kagoshima, ang mga lungsod ng Soo, Kirishima, Shibushi, at ang mga bayan ng Osaki, Kinko, Minamiosumi, Kimotsuki ay nagrehistro din ng intensity 4.
Sinabi ng ahensya na ang sentro ng lindol ay nasa silangang baybayin ng Osumi Peninsula at ang pokus ay nasa lalim na 40 na kilometro.
Join the Conversation