TOKYO- Ayon sa mga pulis sa Tokyo, inaresto nila ang 27 anyos na lalaking Vietnamese sa suspisyong pag-nanakaw ng 35 kg na bigas sa isang supermarket nuong Enero.
Ayon pa sa mga awtoridad, ang suspek na siyang nag-sabi na wala siyang kasalanan at ang isa pang lalaki ay pumasok sa isang supermarket sa Adachi Ward sa Tokyo nuong Enero, mula sa ulat ng Sankei Shimbun. Inilagay nila ang pitong sako ng tig-5kg Koshihikari na bigas na nagkaka-halaga ng 15,000 sa isang shopping trolley at inilabas sa parking lot sa isang kotse na may naka-abang na driver. Sila ay muling bumalik sa loob ng tindahan at kumuha ng 11 na bote ng whisky.
Nang makita silang muli ng isang staff ng supermarket, agad niyang sinita ang dalawa na siyang agad na sumakaw sa kotse at tumakas.
Na-identify ang sasakyan sa tulong ng mga surveillance camera footage. Ang dalawang lalaki ay suspek din sa pag-nanakaw ng mga bigas na nagkaka-halaga ng 800,000 yen mula sa 17 supermarket sa Saitama at Chiba Prefecture.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation