Kaso ng mga nagpapa-tiwakal na bata sa Japan, napaka-taas

Idinagdag rin ng mga opisyal na gagawa ang ministry ng mga hakbang upang ma-encourage ang mga bata na maka-hanap ng tulong at ma-sigurado ang learning opportunities ng mga bata na hindi maka-pasok sa paaralan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspKaso ng mga nagpapa-tiwakal na bata sa Japan, napaka-taas

Ayon sa Education Ministry ng Japan, ang pinaka-bagong taunang survey nila ay nagpapa-kita ng bilang ng mga mag-aaral na kinitil ang kanilang sariling buhay ay umabot na sa 400 sa kauna-unahang pagkaka-taon. Isang mataas na tala na umabot na sa 190,000 na estudyante sa elementarya at junior high school ang tumigil sa pag-aaral.

Nagsa-gawa ang ministry ng kanilang annual survey sa paaralang elementarya, junior at senior high school at mga paaralan para sa mga special needs education sa buong bansa. Ito ay napapaloob sa bullying, truancy at suicides sa mga mag-aaral.

Nuong Miyerkules, nag-publish ang ministry ng mga resulta mula sa isina-gawang survey para sa 2020 school year.

Ang resulta ay nagpa-kita ng mataas na tala ng mahigit 415 na kabataan ang nagpa-tiwakal sa isang taon hanggang buwan ng Marso. Ito ay lagpas 100 mula sa nagdaang school year. Ang pito sa mga mag-aaral ay mula sa paaralang elementarya at 103 sa Junior High School at 305 naman sa Senior High.

Ang bilang ng mga elementary at junior high school student na lumiban sa klase sa loob ng 30 araw o mahigit pa ay 196,127. Ito ay mahigit 15,000 mula nuong nakaraang taon at isa sa mataas na tala.

Ang rate ng mga batang lumiban sa klase ay tumataas na rin. Ang rate para sa mga batang mag-aaral sa elementarya ay tumaas ng tatlong beses sa loob ng sampung taon, isa kada 100. Samantalang ang rate sa junior high school ay isa sa 24, aabot ng 50 porsyento.

Sinuri rin ng survey na ito ang bilang ng mga batang tumigil sa pag-aaral dahil sa pangamba sa coronavirus infection.

Nagpapa-kita ito ng total na 30,287 na mag-aaral sa elementarya, junior high at senior high school ay lumiban sa klase ng mahigit 30 araw dahil sa pangamba.

Ang studdent affairs division chief ng ministry na si Eguchi Arichika ay nag-sabi na ang resulta ay nagpapa-kita nang pag-babago sa kapaligiran ng paaralan at tahanan sanhi ng pandemiya, ay nag papa-kita ng malaking impact sa behavior ng bata at ang pag-taas ng bilang ng mga kaso ng pagpapa-tiwakal ay talaga namang naka-lulungkot.

Idinagdag rin ng mga opisyal na gagawa ang ministry ng mga hakbang upang ma-encourage ang mga bata na maka-hanap ng tulong at ma-sigurado ang learning opportunities ng mga bata na hindi maka-pasok sa paaralan.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund