Opisyal nang nilisan ni Princess Mako ang Imperial Household at kasalukuyan nang isang commoner. Pinakasalan niya ang kanyang dating kamag-aral nuong kolehiyo na si Komuro Kei nuong Martes.
Nilisan ni Mako ang Imperial family’s Akasaka Estate sa Tokyo nuong umaga ng Martes. Inihatid siya ng kanyang mga magulang na sina Crown Prince and Crown Princess Akishino at ang kanyang naka-babatang kapatid na si Princess Kako.
Bilang representative, isang opisyal mula sa Imperial Household Agency ang nag-file ng marriage registration ng magkasintahan sa municipal government. Ito ang naging hudyat na lilisanin na niya ang Imperial Family.
Ang mga Prinsesa ay may naka-talagang lump-sum payment kapag sila ay nagpa-kasal, ngunit tinanggihan nito ang pera.
Ang mag-asawa ay hindi mag-diriwang ng tradisyonal na wedding ceremony na naka-reserve para sa miyembro ng Imperial Family.
Ang dalawa ay haharap sa mahigit 50 journalist sa isang hotel sa Tokyo kalaunan ngayong araw.
Sinabihan ang mga reporters na kinakailangan nilang mag-sumite ng kanilang mga katanungan nang maaga. Si Mako ay medyo nangangamba sa ilang mga katanungan, saad ng ahensiya, at pinayuhan ng doktor na sagutin ng mag-asawa ang mga katanungan sa pamamagitan ng pag-sulat sa mga ito.
Nitong buwan, nag-release ng isang pahayag ang Imperial Household Agency na nag-sasaad na si Mako ay na-diagnosed ng PTSD matapos ang paulit-ulit na kutya ng publiko.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation