Ang pagka-hinto ng distribusyon ng manok sa Thailand ay nagkaroon ng malaking impact sa mga retailers sa Tokyo.
Ang isang may-ari ng supermarket ay nag-sabi na mula pa nuong Septyembre ay naging mahirap na ang pagkuha ng mga chicken thighs at processed chicken products.
Ilang produkto ay available ngunit limitadong bialng lamang. At sa araw na ito nang taon, ang supermarket ay nag-oorder ng Thai-produced roasted chicken para sa Christmas season.
Ang retailer ay nag-lagay ng order ng 500 roasted chickens. Ngunit ang wholesaler ay nag-decline ng order ay nag-sasabing walang garantiyang maidedeliver ito sa tamang oras dahil sa pagka-delay ng production sa Thailand.
Sa ngayon ang supermarket ay sinusubukan na bumili ng mga chicken products mula sa US at China.
Si Akiba Hiromichi ang may-ari ng supermarket ay nag-sabi, ”Nais namin na panatilihin ang presyo nito sa mababa ngunit hindi maaari dahil sa hirap ng pag-kuha ng produkto.”
Sinabi niya na siya ay nag-aalala na kapag nagpa-tuloy ito, ito ay magkakaroon rin ng isyu sa buong global supply chain.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation