Kinasuhan na ng prosekusyon ang 34-anyos na ka-live in partner ng pinatay na Pinay sa kasong murder sa isang apartment sa Koriyama.
Ang kinasuhan ay si Ryogo Azumi, isang 34-anyos na construction worker sa Koriyama City.
Ayon sa reklamo, si Azumi ay pinataya sa sakal sa isang apartment sa Koriyama City noong ika-15 ng Hulyo ang isang Filipino na office worker na si Ruby Tanaka na ang tunay na pangalan ay Agonoi Ruby Vergel (32 noong panahong iyon).
Ayon sa mga imbestigador, naka-lock ang silid ng pinangyarihan nang matagpuan ang bangkay, ngunit si Azumi, na siyang nakapangalan ang kontrata sa kuwartong ito at may relasyon kay Vergel aay mayrooong hawak na spare key sa silid.
Pagkatapos ng insidente, binura ni Azumi ang lahat ng palitan ng pag uusap nila sa LINE, kabilang ang isang mensahe na humihiling ng kasal ang suspect.
Sa video ng security camera na naka-install, pagkatapos ng pag patay, si Azumi ay nag labas pasok sa silid ng nang maraming beses at dala ang mga bagahe na tila naghahakot ng mga gamit niya.
Ayon sa autopsy, nakitaan ng pampatulog o sleeping pills sa sistema ng biktima. Na nanganaghulugang sinakal ito habang natutulog.
Hindi ibinunyag ng prosekusyon kung umamin ba ang suspect sa krimen.
Join the Conversation