TOKYO (Kyodo) – Sinabi ng bagong tourism minister ng Japan noong Martes na isasaalang-alang niya kung kailan muling ipagpapatuloy ang programa ng subsidy na “Go To Travel” para sa promosyon ng domestic tourism na naapektuhan ng pandemic.
Isang araw pagkatapos maupo sa kanyang posisyon sa pagka-ministro, sinabi ni Saito na inatasan siya ng bagong Punong Ministro na si Fumio Kishida na tulungang maiangat ang sektor ng turismo habang pinapanatili ang mga hakbang sa anti-virus.
Habang ang paglalakbay sa internasyonal ay limitado pa din dahil sa pandemya, sinabi ni Saito na pananatilihin ng gobyerno ang layunin nitong akitin ang 60 milyong mga dayuhang bisita sa Japan sa 2030.
Noong Hulyo ng nakaraang taon, inilunsad ng gobyerno ang Go To Travel campaign na mag-subsidize hanggang sa kalahati ng gastos ng mga travelers, ngunit ang programa ay nasuspinde sa buong bansa noong Disyembre dahil sa muling pagdami ng mga impeksyon sa coronavirus. Ang pangkalahatang discount ay na-cap sa 20,000 yen ($ 180) bawat tao bawat isang gabing stay sa mga hotel at 10,000 yen para sa one day trip.
Join the Conversation