Ilang parte ng Japan ay dahan-dahan inaayos ang kanilang coronavirus vaccination program alinsunod sa plano ng pamahalaan na tapusin ang inokulasyon sa mga mamamayang maaari at nais na maka-tanggap ng bakuna ngayong susunod na buwan.
Nananawagan ang mga munisipalidad sa kanilang mga nasasakupan na hindi pa tapos o nakatatanggap ng kanilang ikalawang bakuna na agad na itong magpa-schedule ng appointment.
Ang bakuna na inaprubahan ng Japan ay kinakailangan na mabakunahan ng 2 shot upang ma-sigurado ang immunity laban sa virus. Ngunit nitong miyerkules lamang, aabot ng 11 milyon ng mga nabakunahan na ng unang shot ay hindi pa nababakunahan ng ikalawang shot.
Ang ilan sa mga ito ay lumagpas na sa recommended interval sa pagitan ng una at ikalawang bakuna.
Plano na i-scale down ang pag-babakuna sa Meguro Ward ng Tokyo sa susunod na buwan, ngunit ang ilang mga kabataan ay hindi pa nakakapagpa-schedule ng kanilang ikalawang shot o ikinansela ang kanilang mga reservations. Ang ward ay nananawagan sa pamamagitan ng social media at iba pang paraan upang makumpleto ng mga residente ang kani-kanilang bakuna sa madaling panahon.
Ang senior official na naka-talaga sa vaccination program ng ward na si Yoshida Takehiro ay nag-sabi na may mga nagkansela ng kanilang 2nd shot sanhi ng naramdamang side effect nuong una silang nagpa-bakuna. Idinagdag rin ng iba na nakalimutan lamang nila at sinisikap na maka-kuha agad ng reserbasyon.
Si Kawasaki Medical School professor Nakano Takashi, isang miyembro ng health ministry expert panel, ay kasali sa Japan’s approval ng COVID-19 vaccines. Sinabi nito na mahigit 90 porsyento ng infection prevention effects ay nakukuha sa pamamagitan ng pag-tanggap ng kumpletong bakuna.
Idinagdag rin nito na ang mga taong lumagpas na sa recommended interval period ay dapat na maka-tanggap agad ng ikalawang dosage, dahil ang pag-tanggap nito ay maka-sisigurado ng mas mataas na proteksyon laban sa posibleng outbreaks sa hinaharap.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation