Nalaman ng NHK na ang Immigration Services Agency ng Japan ay tutulong na mapabilis ang pagbabakuna sa mga dayuhan na nahihirapang makapagpa-reserve ng coronavirus vaccination.
Sinabi ng mga eksperto na ang bilis ng mga inokasyon para sa mga dayuhan ay mabagal at marami ang hindi makakuha ng reservation dahil sa language barrier o hindi pa nakakatanggap ng mga voucher ng bakuna mula sa mga munisipalidad.
Simula sa kalagitnaan ng Oktubre, tutulungan ng mga Foreign Residente Support Center sa Tokyo ang mga tao na magtalaga ng mga appointment para sa mga inokulasyon sa mga ospital sa Tokyo, Osaka at Nagoya. Mag-aalok ang center ng tulong sa 18 languages.
Para sa mga hindi nakarehistro bilang residente, aabisuhan ng ahensya sa mga lokal na munisipalidad ang kanilang mga address upang maibigay ang mga voucher.
Join the Conversation