Isang lalaki arestado, matapos manaksak sa Ueno Station

Ito ay may hawak na duguang patalim at nag-sasalita mag-isa. Idinagdag pa ng mga pulis na ang tanging impormasyon na kanilang nakuha sa suspek ay ang pangalan nito (So Takumi) at naniniirahan sa Adachi Ward.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

Ayon sa mga pulis, ang insidente ay naganap bandang alas-3:10 ng hapon, ayon sa ulat ng Fuji TV mula sa dalawang biktima, ang isa na nasa kanyang 20s at ang isa naman ay nasa kanyang 30s ay lumabas na sa ticket gate at gagamit sana ng ATM machine nang mangyari ang pag-atake ng suspek.

Sinaksak ng suspek ang isang lalaki sa kanyang likuran at ang isa naman ay sa bandang hita. Ang mga biktima ay agad na dinala sa ospital upang malapat ng paunang lunas, sinabi naman ng mga doktor na ang kanilang pinsala ay hindi malubha.

Ayon sa mga pulis, ang mga biktima ay magka-trabaho, sinabi ng mga ito na hindi nila kilala ang suspek (na siyang nanatili sa istasyon hanggang sa dumating ang mga pulis). Ito ay may hawak na duguang patalim at nag-sasalita mag-isa. Idinagdag pa ng mga pulis na ang tanging impormasyon na kanilang nakuha sa suspek ay ang pangalan nito (So Takumi) at naniniirahan sa Adachi Ward.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund