CHIBA- inaresto ng pulis sa Urayasu, Chiba Prefecture ang isang 31 anyos na lalaki sa suspisyong indecent exposure matapos umano nitong ipakita ang kayang maselang bahagi sa dalawang babaeng elementary student sa isang park nuong Septyembre.
Ayon sa mga pulis, ang insidente ay nangyari bandang alas-4:00 ng hapon nuong ika-11 ng Septyembre, ayon sa ulat ng Sankei Shimbun. Ang suspek na si Akihiro Imanaga, na isang empleyado ng Japan Airlines ay nilapitan ang mga batang babae na naka-upo sa isang bangketa. Ibinaba niya ang kanyang pantalon at umupo sa kanilang tabi, ani ng mga pulis.
Tumakbo ang mga bata at ang isa sa mga ito ay nag-sumbong sa kanyang ina sa kung ano ang nangyari sa kanila. Agad na tumawag ang ina sa 110. Sinabi ng mga pulis na si Imanaga ay nakilala sa pamamagitan ng surveillance camera footage. Idinagdag rin nito na ang suspek ay ini-imbestigahan dahil sa ilang mga kaparehong insidente kamakailan na ini-rereport sa ilang mga park sa lugar.
Nagpa-hayag ang isang spokesperson para sa JAL na humihingi ng paumanhin at ikinalulungkot nito na isa sa kanilang mga empleyado ay maka-gagawa ng ganitong bagay.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation