Inanunsiyo na ang plano sa pagpapa-kasal ni Princess Mako at nang kanyang nobyo

Sa news conference, sinabi ng ahensiya na walang tradisyonal na seremonya ang magaganap tulad nang isinasa-gawa sa mga miyembro ng Imperial Family members.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspInanunsiyo na ang plano sa pagpapa-kasal ni Princess Mako at nang kanyang nobyo

Inanunsiyo na ng Imperial Household Agency ng Japan ang pag-iisang dibdib ni Princess Mako at nang dati nito kamag-aral sa kolehiyo na si Komuro Kei ngayong buwan.

Ang pangunahing opisyal na naka-talaga sa pamilya ni Crown Prince Akishino na si Kachi Takaharu ang siyang nag-anunsiyo ng plano sa isang news conference nitong Biyernes.

Sinabi nito na ang magkasintahan ay magpapasa ng kanilang marriage registration sa munisipiyo ngayong Oct. 26. Ang nasabing petsa ay kinukunsiderang buwenas sa Japanese calendar.

Sinabi rin ng opisyal na ang dalawa ay mag-sasagawa ng isang news conference sa araw ng kanilang pag-rerehistro.

Si Komuro ay kasalukuyang nag-seself isolate sa kanyang tahanan sa Yokohama City, malapit sa Tokyo, bilang hakbang sa pag-iingat laban sa coronavirus matapos bumalis sa bansa mula sa Estados Unidos nuong Lunes.

Kapag natapos ang quarantine period sa October 11, si Komuro ay inaasahang makipag-kita sa Prisesa sa unang pagkaka-taong sa loob ng tatlong taon.

Inaasahan na manirahan sa America si Princess Mako at Komuro upang simulan ang kanilang buhay matapos lisanin ng Prinsesa ang Imeprial Family at maka-kuha ng passport at visa.

Sa news conference, sinabi ng ahensiya na walang tradisyonal na seremonya ang magaganap tulad nang isinasa-gawa sa mga miyembro ng Imperial Family members.

Inihayag rin dito na tinanggihan ni Princess Mako ang ibibigay na lump-sum payment na siyang ibinibigay sa babaeng miyembro ng Imperial family na sila ay entitled kapag sila ay ikinasal. Sinabi ng ahensiya na ito ay tinanggihan ng prinsesa dahil sa kritisismong matatanggap niya at pamilya ng kanyang mapapang-asawa.

Idinagdag rin ng ahensiya na ang prinsesa ay na-diagnose na mayroong post-traumatic stress disorder o PTSD, matapos ma-criticized nang paulit-ulit sa mahabang panahon.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund