Empress Emerita Michiko, minarkahan ang ika-87 na kaarawan

Ang lahat ng ceremonial events para sa pag-diriwang ng kaarawan ni Empress Emerita ay ikinansela dahil sa pandemiya.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

 

&nbspEmpress Emerita Michiko, minarkahan ang ika-87 na kaarawanNitong Miyerkules, ipinagdiwang ang ika-87 anyos na kaarawan ni Empress Emerita Michiko ng Japan.

Ang Empress at ang kanyang asawa na si Emperor Emeritus Akihito ay naninirahan sa kanilang pansamantalang tirahan sa Tokyo mula pa nuong Marso nuong nakaraang taon. Sinisikap nilang hindi lumabas o tumanggap ng panauhin sa gitna ng coronavirus pandemic.

Ayon sa Imperial Household Agency, ang mag-asawa ay inaalala ang mga taong nasalanta at naapektuhan ng masyado ng mga natural disasters kabilang ang lungsod ng Atami sa Prepektura ng Shizuoka, na siyang nasalanta ng nakamamatay na pag-guho ng lupa nuong Hulyo.

Natutuwa umano ang mag-asawa sa mga naririnig na progreso sa recovery ng mga nasalanta nuong 2011 disaster sa northeastern Japan.

Kabilang sa mga kaaya-ayang nai-ulat ay mula sa Futaba Town, na siyang co-host ng nasirang Fukushima Daiichi nuclear plant. Napag-alaman nila ang magandang balita tungkol sa unang pag-tatanim ng palay sa isang experimental basis mula ng mangyari ang aksidente 10 taon na ang naka-lilipas.

Ipinahayag ng ahensiya na palaging nakikipag-usap si Empress Emerita sa kanyang asawa tungkol sa naganap na Tokyo Olympics and Paralympics nuong summer. Ini-ulat nito na ang dalawa ay natutuwa sa naging development ng sports para sa mga taong may kapansanan, kung saan patuloy nila itong sinusuportahan.

Mula pa nuong buwan ng Mayo nuong nakaraang taon, si Empress Emerita ay nakaranas ng ilang problema sa kanyang kalusugan, ngunit sa kabilang ng lahat ng dinanas kamakailan ang Empress ay muling tumugtog ng piano paunti-unti.

Kinakatuwaan ng mag-asawa si Princess Mako, isa sa kanilang mga apo na inaasahang lisanin ang Imperial Family matapos itong maikasal nagyong darating na October 26. Tila nalulungkot si Empress Emerita sa pag-alis ng Prinsesa.

Ang lahat ng ceremonial events para sa pag-diriwang ng kaarawan ni Empress Emerita ay ikinansela dahil sa pandemiya.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund