Bus Tours, nagpa-tuloy matapos tapusin ng Japan ang state of emergency ng bansa

Idinagdag rin ng operator na plano nitong dagdagan ang kanilang mga tours. Ang iba ay limitado lamang para sa mga taong kumpleto na ang bakuna laban sa coronavirus.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspBus Tours, nagpa-tuloy matapos tapusin ng Japan ang state of emergency ng bansa

Ang tourism industry ng Japan ang isa sa mga sektor na ninanais na bumalik sa normal ang kalakalan sa bansa matapos tapusin ang state of emergency nuong Huwebes. Ang ilang kumpanya ay nag-resume na ng kanilang bus tours.

Ang mga turista ay nagtipon-tipon sa bus terminal sa central Tokyo bandang alas-7:30 ng nuong Biyernes. Labing apat na katao ang naka-schedule na mag-day trip sa nagano prefecture sa central Japan para mamitas ng ubas at kumain sa isang French restaurant.

Isang participant na nasa kanyang 80s ay nag-sabi na siya ay na-stuck sa bahay habang mayroong state of emergency. Sinabi niya na siya ay natutuwa sa kanyang unang byahe sa loob ng mahabang panahon.

Ang operator nag bus tour ay itinuloy ito matapos ang dalawa at kalahating buwan.

Binuksan rin ng kumpanya ang kanilang service center counters para sa mga kostumer. Dini-disinfect ng mga emplyeyado ang mga counters at nag-handa ng mga brochures bako pa man nila kausapin ang mga ito.

Ang manager ng firm na si Matsumura Takao, ay nag-sabi na tumitigil ang kita ng tours kapag mayroong state of emergency. Sinabi pa nito na siya ay natutuwa na sila ay makapag-sisimulang muli at sisiguraduhin niyang ang kanilang kumpanya ay ipa-susunod ang mga hakbang upang maiwasan ang pag-kalat ng coronavirus.

Idinagdag rin ng operator na plano nitong dagdagan ang kanilang mga tours. Ang iba ay limitado lamang para sa mga taong kumpleto na ang bakuna laban sa coronavirus.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund