Isang water pipe bridge ang nag-collapse sa Wakayama City, western Japan na siyang naging sanhi ng pagka-putol ng water supply sa karamihan ng lugar doon.
Ang tulay sa ibabaw ng Kinokawa River, ay gumuho nuong Linggo ng hapon, na nag-sanhi ng pag-bagsak ng dalwang pipe ng tubig na mahulog sa ilog.
Ang pag-guho ay nakuhaan ng camera na ininstall ng land ministry. Ipinapakita rito na ang gitnang bahagi ng tubo ay biglang gumuho at bumagsak sa tubig.
Ang tulay ay may mahigit na 500 metro kahaba, ito lamang ang nag-susupply ng tubig mula sa water purification plant na nasa south side ng ilog patungong norte.
Ang gumuhong supply ng tubig ay naging sanhi ng pagka-wala ng tubig sa mahigit 60,000 tahanan o mahigit 40 porsyento ng kabuoang total ng lungsod. Nagpadala mg mga water trucks upang pansamantalang maibsan ang problema.
Ayon sa mga opisyales ng lungsod, ang tulay ay ginawa nuong taong 1975, at ang mga ibang pagsasa-ayos ng earthquake resistance ng tulayvay isina-gawa nuong taong 2015 at mga sumusunod pang taon.
Ayon pa sa mga opisyales, wala namang nakitang sira or abnormalidad sa mga buwanang inspeksyon na isinagawa sa tulay hanggang buwan ng Septyembre, at hindi pa natutukoy sa kung ano ang dahilan ng pag-guho.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation