Bamboo lanterns, inilawan ang Kokura Castle

Ang nasabing event ay isasagawa araw-araw mula alas-5:30 ng hapon hanggang alas-8:30 ng gabi hanggang sa susunod na Linggo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspBamboo lanterns, inilawan ang Kokura Castle

Inilawan ang mga bamboo lanterns na siyang nag-silbing ilaw sa isang castle sa Kitakyushu City, western Japan.

Ang event ay sinimulan sa Kokura Castle nuong gabi ng Sabado sa pamamagitan ng pag-papailaw ng mahigit 30,000 lampara sa loob at labas ng kastilyo.

Ayon sa mga organizer, mahigit 40 tons ng bamboo mula sa lokal na kakahuyan ay ginamit para rito, tumulong ang mga mag-aaral ng paaralang elementarya sa pag-gawa ng mga lampara.

Ang ilang lampara ay may naka-feature na deseniyo na siyang nagwe-welcome ng mga athleta at mga spectators sa international gymnastics event na isinagawa sa kanilang lungsod.

Isang bisita ang pumunta upang pagmasdan ang lampara na ginawa ng kanyang anak sa kanilang elementary school. Ayun sa bisita, ang mgandang tanawin ay naka-tutulong sa kanyang pag-iisip dahil bibihira siyang maka-labas ng bahay sanhi ng pandemiyang dala ng coronavirus.

Ang nasabing event ay isasagawa araw-araw mula alas-5:30 ng hapon hanggang alas-8:30 ng gabi hanggang sa susunod na Linggo.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund